*****
kelan lang nagkaproblema si ayill. umiyak, nadepressed, nasakatan. masyadong malalim yung dahilan. di ko alam kung pano ko sya matutulungan. kaya kasama ng mga
yakap binilan ko sya ng
ice cream. naalala ko kasi yung mga panahong ginagawa namin yun ng mga kapatid ko. at kanina naging ok na sya. may problema pa rin pero nabawasan na. at masasabi ko lang, napakaswerte nya na may kenneth sya sa buhay na handang maghintay sa kanya ng tatlong taon. kenneth na nagawang kausapin yung nanay nya para lang maging maayos lahat. kenneth na walang dudang mahal na mahal sya. hindi sya perpekto pero saludo ako sa kanya.
*****
sa di malamang dahilan nalungkot ako't natuwa(?) sa nalaman ko..
nagtimezone kami kahapon dahil naadik kami sa dance revo (pati sa kamay version).. may naalala akong tao kaya tineks ko sya't sinabing nasa timezone ako. hindi sya nagreply. tineks ko sya uli't kinamusta. bad mood daw sya. sori ng sori. tinanong ko kung gusto nyang i-share problema nya hindi na daw. (dahil mejo may ideya na) tineks ko sya ng "
bestfriend pa rin nman kta dba?" sumagot sya ng syempre naman at ngumiti. nung gabing yun tineks ko sya ulit. tinanong ko kung pwede ba syang mag-open up sakin. at sinabi nya ngang may problema sila ng
girl nya. last month naging sila, at sori sya ng sori sakin.. sinabi kong ok lang at nagbigay pa ko ng advice dahil
best ko naman sya.
dapat natutuwa ako sa balita. pero nung malaman ko yun hindi ko napigilang malungkot at mejo maluha. nakakalungkot lang kasi inisip ko na ayos lang na sobra tiwala ko sa kanya. tapos malalaman kong may gf na sya nung mga panahon pa lang na tinatanong nya ko. kaya pala nabawasan na yung pagrereply nya, di na sya nagpaparamdam, at lalo syang lumalayo. nakakalungkot isipin na akala ko matibay sya hindi rin pala.
pero ok na ko ngayon. nakapag-isip na ko saka medyo nakapag-usap na kami. nakatulong din yung biniling
ice cream naman sakin ni ayill kanina. naisip kong wala naman akong dapat ikalungkot. mas mabuti ngang bestfriends kami diba? mas magiging komportable kami sa isa't isa, wala nang sikreto (sana lang). at siguro naman babalik yung dating
best ko. kasalanan ko rin naman kung bakit nawala sya eh.
tinulak ko kasi sya palayo. di ko pinapansin yung mga ginagawa nya dati. tapos ngayon malulungkot ako. kalokohan. tama na yung ganito. masaya ngang isipin na bestfriends kami eh.
ang iniisip ko lang ngayon kung matutuwa ba ko o hinde? parang hindi kasi tamang ngumiti habang kasama ko
sya dahil nalungkot ako nung nalaman ko yung kay
best. siguro dapat na ko tumigil sa mga iniisip ko. tutal naman hindi ko kailangang maghanap ng sagot eh. mag-aaral na lang ako.
*****
~kelan lang din marami namang
nawalan ng cellphone sa madocs. isa na dun yung kaklase namen. hindi man kumpirmado pero malakas yung kutob namin sa kung sino yung kumuha nung kanya. ang masama pa dun kaklase rin namin yung suspek.
~kahapon naman may
namatay na kaklase si ate lyka (pinsan ni ayill). dahil sa acute leukemia nabawasan ng studyante sa section 28. nakakatakot kasi konektado na naman yung nangyari sa kwento ni sr lejano tungkol sa "lifeline" activity namin kelan lang. nangyari ulit sa kanya yung dati na may namatay syang studyante pagkatapos nung activity at nakatulong yun para marealize ng magulang nila kung ano talaga iniisip ng anak nila bago mamatay.
kasabay ng mga nangyaring to may mga nangyari rin sa grupo.
~
napapalayo na samin si makki dahil sa mga trabaho nya sa
chorale at pagiging president. kasabay pa ng pagsama nya paminsan-minsan kay stacey.
~si kurt naman
nahuli na. nalaman na ng nanay nya na bading sya. wala ganong nangyari. wag lang malaman ng tatay nya.
~si ali ayaw nang pakainin sa labas. sa moa o bluewave. bawal na rin sya matagalan sa pag-uwi. buhay nya ngayon
bahay-eskwela na lang. kung strikto si mama, malamang triplehin mo pa sa nanay niya.
~si verna
nakasagutan din nanay nya. mejo mababaw yung dahilan pero hindi sila gano nagpapansinan ng nanay nya.
~at si dennis naman parang
nalulungkot na rin sa grupo. nakikita namin na hindi na sya ganong masaya pagkasama kami. siguro dahil may mga oras na hindi namin sya maintindihan at lumilipat na lang sya sa grupo nila angel.
hindi ko alam kung anong nangyari pero anggulo ng mga buhay namin ngayon. kung dati mahirap yung lagi lang sa bahay ngayon kahit sa labas. andaming bagay na nangyayari. may masasaya pa ring mga tawanan samin pero sa linggong to karamihan seryoso mga napag-uusapan namin sa grupo. sumabay pa yung ipu-ipo na nakita nila verna sa may bluewave kahapon. parang nakikiramay yung panahon sa mga nangyayari.
ano kayang meron sa september..*****
sana kaya naming i-skip tong gantong mga bagay at maging masaya na lang palagi.
sana pwede na lang burahin bigla yung salitang "problema". sana na lang pagtapos nito puro mga ngiti na ulit nasa mukha namin.